Ilang celebrity, pasok sa Top 10 TikTok influencers sa Pilipinas

Napasama sina Jodi Sta. Maria at Ella Cruz sa listahan ng Top 10 Tiktok Influencers sa Pilipinas.

As of February 2020, may mahigit 1.8-million TikTok subscribers na si Jodi habang si Ella naman ay mayroong 1.5-million subscribers.

Karamihan ng ginagawang video ni Jodi ay mga comedy na pumapalo sa halos 11 million likes habang dance cover naman ang ginagawa ni Ella.


Ang TikTok ay isang video-sharing app na nagmula sa China kung saan patok na patok ngayon sa mga Pilipino na pampalipas oras habang naka-quarantine.

Bukod kila Jodi at Ella, TikTokers na rin ang ibang mga artista, gaya nina Lorna Tolentino, Amy Perez, ang lovers na sina Vice Ganda at Ion Perez at marami pang iba.

Facebook Comments