Joint Task Force Kutawato Out-1st Marine Brigade In sa Cotabato City

Simula kahapon, Huwebes ay pinalitan na ng tropa na ng 1st Marine Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Central (JTFC) ang personnel ng ng Joint Task Force Kutawato (JTFK) .
Sa panayam ng DXMY kay 6th ID Spokesperson Col. Edgardo Vilches Jr., ang 1st Marine Brigade na ang sasaklaw sa area ng lungsod kabilang na ang pagiging frontliner sa mga entry at exit points ng syudad.
Kailangan kasi din na mag-expand ng area ang JTFC upang mas maraming lugar sila na mababantayan.
Paliwanag pa ni Col. Vilches, ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang may lead role sa mga checkpoint at nakasuporta lamang ang kasundaluhan, sa pagkakataong ito ay ang 1st Marine Brigade na ang magsisilbing support force ng PNP sa halip na ang JTFK.
Napag-alaman mula kay Col. VILCHES na binuwag na rin ang JTFK.
Ang 1st Marine Brigade ay pinamumunuan ni Marine Officer, BGen Jonas R Lumawag.
1st Marine brigade FB

Facebook Comments