Ilang celebrity, umalma sa body shaming

71

Umalma ang ilang celebrity sa ginagawang body shaming ng ilang netizen.

Isa rito ay ang aktres na si Jackie Forster kung saan ilang netizen ang nagsabing siya ay mataba.


Hindi naman nagpaapekto ang aktres at sinabing sa kabila ng kanyang edad, mga stretch marks at cellulites ay nakakayanan niya pa ring magsuot ng bikini.

Kinumpirma naman ng aktres na si Kris Bernal na ilang ulit siyang na-bully dahil sa kanyang katawan.

Say ni Kris, hindi niya hinahayaang mangibabaw ang mga pangungutyang ito sa kanya sa halip, araw-araw niyang sinasabi sa kanyang sarili na siya ay maganda.

Facebook Comments