MANILA – Ilang Chinese Company na pumirma sa Memorandum of Understanding (MOU) para maglagak ng negosyo sa Pilipinas ang pinagdududahan ngayon ni Kabayan Rep. Harry Roque.Ayon kay Roque, ang China Communications Construction Company (CCCC) na pagmamay-ari ng China ay kabilang sa blacklist ng World Bank matapos na masangkot sa anomalya.Ang blacklist ay para lamang sa world bank funded projects pero isa rin itong latay sa imahe ng isang kumpanya.Pumirma din sa MOU, ayon kay Roque, ang CCCC Dredging Company na kasama sa mga gumawa ng artificial island sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.Sa kabila nito, sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and industry chairman emeritus Francis Chua na maaari pa naman salain ang mga kumpanyang ito lalo na’t Memorandum of Understanding pa lang ang napirmahanNabatid na aabot sa 24 billion pesos na kasunduan ang inuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit nito sa China.
Ilang Chinese Company Na Nangakong Maglalagak Ng Negosyo Sa Bansa, Blacklisted Sa World Bank
Facebook Comments