Ilang Chinese establishments sa bansa na umano’y hindi tumatanggap ng mga Pinoy, sisilipin ng DOLE

Sisilipin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Chinese firms sa bansa kung sumusunod ang mga ito sa labor laws.

Ito ang pagtitiyak ng DOLE matapos ang mga ulat na may ilang Chinese-owned firms at establishments sa bansa na hindi pinapapasok ang mga Pilipino.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Benjo Benavidez – titingnan nila ang mga ulat sa aspeto ng employment dahil ang pagtiyak sa consumer protection ay wala na sa awtoridad ng DOLE.


Panawagan naman ni Sonny Matula, chairperson ng Nagkaisa Labor Coalition sa gobyerno na mag-hire ng maraming Filipino workers para sa construction projects na pinondohan ng China.

Dapat aniya, mas maraming Pilipino ang nakikinabang sa mga trabaho.

Samantala, tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na hindi nila hahayaang agawin ng mga Tsino ang mga trabaho na para sa mga Pilipino.

Facebook Comments