Ilang Chinese officials, pinatawan ng visa restrictions ng US

Pinatawan ng Estados Unidos ng visa restrictions ang Chinese government at communist party officials.

Ito ay dahil sa paniniwalang sangkot ang gobyerno ng Tsina sa pag-detine at pang-aabuso sa ilang Muslim minorities sa Xinjian Province.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo – nasa 28 Chinese Public Security Bureaus at kumpanya ang inilagay sa trade blacklist dahil sa ginagawang crackdown ng Beijing sa Uighur Muslims at iba pang mga Muslim ethnic minorities.


Hindi na pinangalanan ang mga opisyal na papatawan ng visa restrictions.

Paulit-ulit nang itinatanggi ng China na may ginagawa silang mistreatment.

Facebook Comments