Pambato ng Pilipinas sa billiards, handa na ring sumabak sa Sea Games

101

Pinaghahandaan na ng Billiards Sports Confederation of the Philippines ang nalalapit na Southeast Asian Games.

Kabilang na rito ang bagitong miyembro ng national team na si Jeffrey Ignacio.

Bagamat sumasali na siya sa iba’t-ibang world tournament, malaking pribilehiyo aniya na maging kinatawan ng Pilipinas sa Sea Games.

Hindi rin nahirapang mag-adjust si Ignacio sa pambansang koponan kahit beterano na ang ilan sa kanyang mga kasama.

Tiniyak ng Philippine billiard team na hindi sila magpapakampante dahil magagaling din ang kanilang mga makakalaban.

Facebook Comments