Ilang Classroom Building ng Cauayan South Central School, Gigibain!

30

*Cauayan City, Isabela- *Gigibain na ang ilang classroom buildings ng Cauayan South Central School.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Liwliwa Calpo, Principal ng Cauayan South Central School sa naging panayam ng RMN Cauayan.

Bagamat manipis ang dami ng mga pumasok na estudyante ngayong araw, Enero 3, 2019 ay tuloy pa rin anya ang kanilang pasok matapos ang ilang Linggo na bakasyon ng mga estudyante.

Aniya, magkakaroon sila ng dalawang araw na shifting sa klase ng mga mag-aaral sa Enero 5 at Enero 6 dahil sa gagawing rehabilitasyon sa kanilang dalawang classroom building na pinondohan ng LGU Cauayan City.

Apektado aniya ang mga nasa Grade 2 at Grade 3 sa gagawing 2 storey na classroom habang ang magshi-shifting naman ay mga nasa Grade 5 at Grade 6.

Luma na rin umano ang mga papalitang classroom kaya’t kinakailangan lamang aniya na mapalitan ng bagong building.

Facebook Comments