Ilang coastal areas, positibo sa red tide – BFAR

195

Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang coastal areas sa bansa na nagpositibo sa red tide.

Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwang mamingwit o kumain ng shellfish sa mga sumusunod na lugar:


  • Biliran Islands
  • Bohol (Coastal waters sa Dauis town at Tagbilaran City)
  • Davao Oriental (Balite Bay, Mati City)
  • Eastern Samar (Coastal waters ng Guiuan)
  • Leyte (Cancabato Bay, Tacloban City at coastal waters ng Calubian)
  • Masbate (Milagros)
  • Negros Oriental (Tambobo Bay sa Sianton)
  • Palawan (Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City, Inner Malampaya Sound sa Taytay)
  • Sorsogon (Sorsogon Bay)
  • Surigao del Sur (Hinatuan)
  • Western Samar (coastal waters ng Zumarraga)
  • Zamboanga del Sur (Dumanquillas Bay)

Ang mga apektadong lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison.

Ang mga sumusunod namang coastal areas ay positibo rin sa red tide toxin:

–              Matarimao Bay sa Eastern Samar

–              Coastal waters ng Daram Island at Cambatutay Bay sa Western Samar




–              Carigara Bay sa Leyte

Babala ng BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin.

Ang mga isda, pusit, hipon at alimangong makukuha ay ligtas na ikonsumo basta ay nahugasan ng maayos at tinanggal ang mga internal organs bago lutuin.

Facebook Comments