Handa ang ilang COVID-19 referral hospital sa Metro Manila sakaling tumaas muli ang kaso dahil sa pag-usbong ng mas nakahahawang Omicron variant.
Ayon kay Philippine General Hospital (PGH) spokesperson Dr. Jonas del Rosario, sanay na sila kaya magiging mabilis na lamang ang transition ng ospital pagdating sa pagko-convert ng non-COVID wards para magamit ng mga pasyenteng tatamaan ng virus.
Sa kasalukuyan, mas 325 COVID-19 beds ang PGH pero 63 na lamang dito ang okupado.
Gayunman, puno pa rin ang kanilang emergency room kaya pakiusap ni Del Rosario sa publiko, sa ibang ospital na muna magpunta kung hindi “life-threaning” ang kondisyon ng pasyente.
Nangangailangan din ang PGH ng mga karagdagang doktor, nurse at medical technician matapos na maraming staff nila ang nag-resign sa trabaho para magtrabaho abroad.
Samantala, may “advanced strategy plan” na rin ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Bukod sa PGH at Lung Center, naghahanda na rin ang iba pang pribadong ospital sa bansa sakaling magkaroon muli ng COVID-19 surge bunsod ng Omicron variant.