Truck ban, ipapatupad ulit sa Valenzuela

48

Muling magpapatupad ng truck ban sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City simula bukas, December 6.

Epektibo ito Lunes hanggang Sabado, tuwing alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sakop ng truck ban ang mga sumusunod na kalsada:


 McArthor Highway,
 M.H. del Pilar Street,
 Governor Santiago Road,
 P. Santiago Street,
 Paso del Blas,
 Maysan Road,
 General T. De Leon,
 East Service Road from Karuhatan up to NLEX,
 Que Grande,
 Mariano,
 Tatalon Ugong,
 Sapang Bakaw,
 General Luis, and
 Galas Bignay Exit

Magsisimula naman ang truck ban hours sa Bisig Road hanggang Tagalag Road mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Samantala, sakop ng ban ang mga truck na may bigat na 4,500 kilograms pataas alinsunod sa ordinansa ng lungsod.



Facebook Comments