Humihingi ang ilang COVID-19 vaccine manufacturer ng ‘blanket immunity’ mula sa anumang kaso sakaling makaranas ng adverse effects ang mga matuturukan gamit ang kanilang bakuna.
Pagsisiwalat ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., may tatlong kasunduan pa silang pinaplantsa kaugnay ng indemnity provision na titiyak ng kompensasyon para sa mga makakaranas ng seryosong side effects.
Giit niya, nag-iingat lang sila mula sa “willful neglect” at “malpractice” sa panig ng pharmaceutical firms.
Para kay Galvez, hindi patas kung walang habol ang bansa sakaling magkaroon ng mali o kapabayaan sa kanilang bakuna.
Matatandaang, aprubado na ng Kongreso ang Vaccination Program Bill na magpapabilis sa pagbili at distribusyon ng bakuna kung saan nakapaloon ang P500 milyon indemnity funds.