Ilang daan at tulay sa Hilagang Luzon, hindi madaanan bunsod ng Bagyong Neneng

Idineklara bilang impassable o hindi madaanan ang aabot sa siyam na kalsada at anim na tulay dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng.

Batay sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kahapon, tatlong kalsada at isang tulay ang hindi madaanan sa Ilocos Region.

Kabilang dito ang bahagi ng Manila North Road sa Pagudpud na hinarangan ng malaking pagguho ng lupa, ang Banna-Batac Road at ang Tandangan Bridge.


Habang anim na kalsda at limang tulay naman ang hindi madaanan sa Cagayan Valley tulad ng Bangag-Magapit Road at ang Bulo-Gagaddangan Road sa bayan ng Allacapan sa Cagayan.

Hindi rin madaanan ang Cadongdongan Road Section at Capacuan Salongsong Bridge sa Santa Praxedes at ang Provincial Road at Palawig Detour Bridge sa bahagi naman ng Santa Ana.

Mababatid na itinaas sa Signal No. 2 at 3 ang ilang bahagi ng Region 1 at 2 kahapon dahil sa Bagyong Neneng.

Facebook Comments