Ilang Daan sa Cauayan City, Pansamantalang Isinara!

Cauayan City, Isabela – Pansamantalang sarado ang ilang daan sa lungsod ng Cauayan City simula kahapon sa pormal o hudyat sa selebrasyon ng Gawaygawa-yan Festival.

Ayon kay Retired Police Superintendent Alberto De Hoya, bagong pinuno ng Public Ordinance and Safety Division o POSD, na kabilang din umano ang re-routing na inilagay sa ibang kalye upang maibsan ang daloy ng trapiko sa lungsod.

Kabilang na umano dito ang daan papuntang norte at timog na para sa lahat ng klase ng sasakyan lalo na ang mga malalaking behikulo na nilagyan na ng mga signages kung saan dapat pumasok at lalabas.


Ipinaliwanag pa ni De Hoya na hindi na papasok sa poblasyon ang mga malalaking sasakyan kung saan pwede lang sila sa National Highway papuntang norte at timog upang hindi maabala ang takbo ng trapiko sa iba pang kalye malapit sa poblasyon.

May mga nakatalaga na umano na tauhan ng POSD at PNP sa lahat ng mga daan na isinarado upang maging gabay sa mga motorista at mga bisita na makikisaya at makikilahok sa Gawaygawa-yan Festival.

Samantala ang mga naisarang kalye sa Centro, Cauayan City ay hanggang sa April 15, taong kasalukuyan.

Facebook Comments