Ilang dating opisyal ng pamahalaan, kabilang sa mga naghain ngayon ng COC para sa national position

Ilang mga dating opisyal ng pamahalaan ang naghain ngayong araw ng kandidatura.

Kabilang dito si dating Senador Joey Lina na first nominee ng Kumadrona Partylist.

Gayundin si dating Defense Sec. Norberto Gonzales na tumatakbong senador.


Nais din ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na sumubok sa pagkasenador sa tiket ng tambalang Lacson-Sotto.

Maging si dating National Council on Disability Affairs Chief Carmen Zubiaga ay nais ding sumubok pumasok sa Senado para magsilbing kinatawan ng mahigit 13 milyong pinoy sa buong bansa na may mga kapansanan.

Facebook Comments