Manila, Philippines – Nagtalaga ng mga bagong opisyal si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation partikular na sa Cybercrime Division at Digital Forensics Laboratory.
Ito ay kasunod na rin ng umano’y korapsyon at iba pang anomalya sa nasabing dibisyon ng NBI.
Kasunod nito, itinalaga bilang bagong pinuno ng Digital Forensics Laboratory si Chief Victor Lorenzo habang Executive officer naman si Christopher Paz at mga miyembro na sina Edgardo Anonuevo at si Jay Salangguste.
Binalasa din ang mga kumakatawan sa NBI Cybercrime division.
Sa ngayon ang pinunuo na ng Cybercrime division ay si Chief Manuel Eduarte habang Executive officer naman si Alex Bautista at mga myembro ay sina Juliana Gabionza, Ryner Bergado, Nina Grace Bacho, Chris Edgardo Anonuevo, Jeremy Lotoc at Ma. Aiza Arcega.
Matatandaang una nang bumuo ang DOJ nang fact-finding committee na syang mag iimbestiga sa nasabing anumalya sa mga dating opisyal at myembro ng Cybercrime Division at Digital Forensics Laboratory.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558