Ilang ‘distressed’ na negosyo o kumpanya, maaaring hindi magbigay ng 13th month pay – DOLE

101

Maaaring hindi magbigay ng 13th month pay sa mga manggagawa ang mga negosyo at kumpanya na itinuturing ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ‘distressed.’

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang isang company o business establishment ay exempted sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa kapag sila ay ‘distressed.’

Pero dagdag ni Bello, kailangan muna nilang patunayan na sila ay ‘distressed’ bago nila ma-avail ang exemption.

Ang kagawaran katuwang ang iba pang ahensya ay magsasagawa ng discussion at review sa kung paano ika-classify ang isang kumpanya na ‘distressed.’

Sinabi rin ni Bello na maaaring sumailalim sa dayalogo ang labor at management para talakayin ang arrangements sa pagbabayad ng benepisyo.

Facebook Comments