Mataas na Bilang ng mga Gumaling sa COVID-19 sa Region 2, Muling Naitala

102

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, apatnapu’t anim (46) ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19 na naitala mula sa Lalawigan ng Cagayan, Isabela, Santiago City at Nueva Vizcaya.

Ang probinsya ng Cagayan ay nakapag-ulat ng bagong walong (8) recoveries, lima (5) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City at tatlumpu’t isa (31) sa Nueva Vizcaya.

Pero, nakapagtala rin ng bagong bilang ng kaso ng COVID-19 ang rehiyon dos na umabot sa apatnapu (40).

Pinakamarami na may naitala ang Isabela na umabot sa dalawampu’t lima (25), labing isa (11) sa Cagayan, dalawa (2) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.

Dahil dito, pumalo sa 1,936 ang total cases sa rehiyon dos, 343 ang aktibo rito, 1,561 ang nakarekober at 32 ang namatay.

Facebook Comments