Ilang domestic flights, kinansela dahil sa masamang panahon

Manila, Philippines – Kinansela ng Manila International Airport Authority (MIAA) ilang domestic flights dahil sa masamang panahon na dulot ng Low Pressure Area.
Ayon sa MIAA Media Affairs Office kanselado ang biyahe ng cebgo dg 6041 – Manila to Busuanga at dg 6042 – Busuanga to Manila ngayong araw.
Sa abiso ng PAGASA, may layong 250 kilometers west Ambulong Batangas ang low pressure area kung saan apektado ang malaking bahagi ng Luzon, Western at Eastern Visayas.
Samantala, patuloy ang pagpapaalala ng PAGASA na mag-ingat sa pagbyahe dahil sa masamang panahon.
DZXL558

Facebook Comments