Pacquiao, kumpyansang mapapatumba si Jeff Horn sa kanilang laban

Manila, Philippines – Kumpyansa ang team ni boxing champ at Senator Manny Pacquiao na mapapatumba niya ang Australian boxer na si Jeff Horn.
Ayon kay Coach Freddie Roach, puspusan sa pageensayo si Pacquaio at focus ito sa kanyang sparring session.
Giniit rin ni Roach na tiyak na nila ang galaw ng suntok ni Horn.
Matatandaang bumalik si Pacquiao sa General Santos city noong nakaraang Linggo, para ipagpatuloy ang pag-eensayo sa nalalapit na laban.
Magaganap ang laban ng dalawang boksingera sa hulyo 2, sa mangyayari sa Brisbane, Australia.
DZXL558

Facebook Comments