Isinumite na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilan sa mga ebidensyang narekober mula sa shootout sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Brigadier General Steve Ludan, hinihintay na lamang nila ang ilang ebidensya na inihahandang ipasa sa NBI.
Kabilang sa mga nai-turn-over sa NBI ay boodle money na ginamit sa operasyon, at ipinoproseso naman ang ilang ebidensya tulad ng autopsy, drug test, DNA paraffin kabilang bullet trajectories, ballistics, at fingerprint.
Sinabi naman ni PNP Chief Police General Debold Sinas na naisumite na rin sa NBI ang cellphones, baril, at mga basyo.
Nabatid na nasa apat ang nasawi sa misencounter kabilang ang dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant.