Sarah Geronimo, lilipat na raw ng network?

33

Nilinaw ng bigboss ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario Jr. na mananatili at ekslusibong kapamilya pa rin ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo.

Ang paglilinaw ay inilabas ng Viva matapos na kumalat sa social media na lilipat na raw ng mother network si Sarah dahil magho-host siya ng isang TV show.


Hindi na rin kasi nakikita ngayon na lumalabas sa anumang show sa Kapamilya network si Sarah, bagay na lalong nagpatindi sa hinala ng mga netizen.

Pero, say ni Boss Vic, hindi ito totoo dahil exclusive talent pa rin ng Kapamilya si Sarah at may ini-indorso lang ito kaya siya lumalabas sa ibang network.

Sa ngayon ay abala si Sarah sa kaniyang upcoming online show na “Tala: The Film Concert” na ipapalabas sa March 27.

Facebook Comments