Ilang eksperto, hiniling sa pamahalaan na i-extend ang MECQ ng dalawa pang linggo

Umapela ang ilang eksperto sa pamahalaan na palawigin pa ng dalawang linggo ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng University of the Philippines (UP) Octa Research Team, layon nitong mapababa pa at makontrol ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kumpiyansa aniya siyang kayang makontrol ng pamahalaan ang pagkalat ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng maayos na pamumuno at kooperasyon ng mga Pilipino.


Giit ni Rye, hindi ‘hopeless case’ ang Metro Manila, dahil nagawa ngang makontrol ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City matapos ang istriktong quarantine protocols.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng hindi na palawigin pa ang MECQ sa Metro Manila na magtatapos sa Agosto 18, 2020.

Facebook Comments