DOTr, inatasan ang PNR, MRT-3 AT LRT-2, na i-absorb ang mga empleyado ng LRT-1 na posibleng mawalan ng trabaho

32

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at MRT-3 na i-hire ang mga qualified workers ng LRT-1.


Ito ay matapos na ianunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mahigit 100 ng kanilang mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan dahil nabawasan ang mga sumasakay bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tugade, hindi dapat pabayaan ang mga mawawalan ng hanap-buhay at tingnan ang posibilidad na i-absorb ang mga ito.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Tugade sa LRMC na isailalim sa swabbing ang lahat ng kanilang personnel para sa kaligtasan ng mga empleyado at ng mga commuter.

Facebook Comments