Ilang eksperto, naniniwalang nakapasok na sa Pilipinas ang bagong COVID-19 variant mula United Kingdom

Naniniwala ang ilang eksperto na nakapasok na rin sa Pilipinas ang bagong Coronavirus variant na mula United Kingdom.

Ayon kay Dr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Team, hindi malayong nasa Pilipinas na rin ang nasabing variant dahil nakapagtala na ang Singapore ng unang kaso noong Disyembre 6.

Habang naitala rin ang unang kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa Sabah, Malaysia na saan kalapit ng Sulu sa Minadanao.


Samantala, iginiit naman ng Department of Health (DOH) na patuloy pa rin ang gingawang pag-aaral ng ahensya para sa bagong Coronavirus variant.

Facebook Comments