Nagsagawa kahapon ng occular inspection ang City Disaster Risk Reduction and Management Office kasunod ng naranasang pagyanig sa lungsod gabi ng Lunes.
Sa panayam ng DXMY kay CDRRM Officer Reynaldo Ridao, buong araw ang kanilang ginawang pag-iikot sa mga eskwelahan sa syudad upang masiguro na ligtas ang mga paaralan sa mga mag-aaral alinsunod na rin sa kautusan ni Mayor Atty. Frances Chynthia Guiani-Sayadi.
Sinabi ni Ridao na sa kanilang pag-inspeksyon ay nadagdagan pa ang mga silid aralan na nakitaan nila ng mga bitak.
Maliban sa isang school building na mayroong apat na class rooms sa ND Village National High School na dati na nilang ipinasara bunsod ng mga bitak na idinulot ng mga naunang pagyanig, nadagdagan pa ito kahapon ng ng isa pang silid-aralan. Limang mga class room na sa NDVNHS ang tuluyan nang hindi magagamit.
Mayroon ding 2 class rooms sa Don E. Sero National HS ang nakitaan nila ng mga bitak at inirekomendang isara na, sa Don E. Sero ES naman sa RH-5 ay 3 mga silid-aralan din ang kanilang ipinasara dagdag pa ni Ridao.
Sinabi pa ni CDRRM Officer Reynaldo Ridao na ininspeksyon din nila kahapon ang mga school building sa lungsod na nauna nang inirekomendang i-demolish makaraang magtamo ng grabeng kapinsalaan noong mga naunang lindo.
Ayon kay Ridao ang kanilang pagbisita sa naturang mga gusali ay upang masiguro na tuluyang nang inabandona at hindi na ginagamit.
Ang mga recommended for demolision ay ang lumang H.E building ng Datu Ayunan ES, isang gusali sa L.R Sebastian HS.
Napag-alaman pa mula kay Ridao na may team din sila na nagsagawa din ng occular inspection kahapon sa mga commercial building sa syudad.
Ngayong araw anya ay magkakaroon sila ng evaluation at pagkatapos ay magsasagawa naman sila ng inspeksyon sa mga hotel.
Marami din anyang mga opisina ang humuhiling sa kanila na inspeksyunin ang kanilang mga gusali.
Nanawagan din naman si Ridao sa mamamayan ng lungsod na kung nakitaan ng bitak ang kanilang bahay ay i-report din sa City Engineering Office upang ma-evaluate ang kanilang mga bahay.
CDRRMC Pic