Ilang estado ng Estados Unidos, apektado ng salmonella virus

World – Sa U-S isa ang patay habang 35 ang nakaratay sa ospital dahil sa salmonella outbreak.

Ayon sa US Center for Disease Control, ang mga “maradol papaya” na inangkat mula mexico ang hinihinalang may dala ng nasabing virus.

Posible umanong nagsimula ang outbreak sa isang farm sa Campeche, Mexico na siyang nag-aangkat sa mga brand na Caribena, Cavi, at Valery sa Amerika.


Nag-issue na ng recall ang mga nasabing brand.

Hinikayat naman ng mga otoridad na huwag munang kumain ng nasabing prutas hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Sa ngayon, labing anim na estado sa U-S ang apektado ng outbreak kabilang na sa New York at New Jersey.

Ang salmonella ay nagdudulot ng lagnat, pananakit ng tiyan at diarrhea.

Facebook Comments