Canada, magbubukas na para sa mga nabakunahang turista sa Setyembre

49

Simula sa Setyembre 7, bubuksan na ng Canada ang travel border nito para sa mga turistang fully vaccinated sa COVID-19.

Ayon kay Canadian Health Minister Patty Hadju, kailangan lamang magpakita ng mga biyahero ng dokumentong magpapatunay na nabakunahan na sila, 14 na araw bago sila dumating sa Canada.


Samantala, mas maaga namang papayagan na makapasok sa Canada ang mga manggagaling sa Estados Unidos na magsisimula sa August 9.

Nasa 75% na ng mamamayan ng Canada ang nakatanggap ng first dose habang 50% naman ang fully vaccinated.

Facebook Comments