Ilang Filipino health workers, exempted sa deployment ban ng POEA

Nilinaw ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia na maaari pang makalabas ng Pilipinas ang mga Filipino health workers na may umiiral pang kontrata sa abroad.

Ito ay matapos ipatupad ang pagpapatigil sa deployment ng mga health workers sa ibang bansa matapos maabot ang 5,000 cap para sa mga Filipino nurses.

Ayon kay Olalia, gumawa na siya ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa mga papayagan pa ring makalabas na health workers.


Kasama sa mga bansang ito ang United Kingdom at iba pa na mayroong government-to-government na kasunduan.

Sa ngayon, hanggang nitong Enero nasa 5,000 nurses, nursing aides at nursing assistants na ang naipadala sa iba bansa para tumulong sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments