Ilang Filipino nurses, nakaligtas matapos maipit sa gulo sa Libya

Kasunod ng nagpapatuloy na civil war sa Libya.

Puspusan pa rin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang mailikas ang mga Pilipino na naiipit ngayon sa giyera.

Kasunod nito kinumpirma ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na 10 Filipino nurses mula sa isang ospital sa Southern Tripoli kung saan sentro ng bakbakan ang nakaligtas at kasalukuyang nasa Embahada.


Sinabi pa ni Cato na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan kina Labor attaché Adam Musa at special Envoy Mario Chan upang makagawa ng hakbang para mailigtas ang iba pang Pilipino na naiipit ngayon sa bakbakan.

Sa datos ng DFA nasa walumput walo ang kabuuang bilang ng mga na repatriate na OFWs mula noong Abril.

Kasunod nito muling pinayuhan ng Embahada ang mahigit isang libo pang mga Filipino sa Tripoli na manatiling mapagbantay at gawin ang mga kinakailangan pag-iingat habang nagpapatuloy ang civil war.

Facebook Comments