Ilang Flights, Kanselado Dahil Sa Bagyong Auring

8

MANILA – Kanselado ang anim na biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa bagyong Auring.Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) – kanselado na ang biyahe ng Philippine Airlines na PR 2071 at 2072 Manila – Calbayog – Manila.Kinansela din ng Cebu Pacific ang kanilang 5J 373 at 374 Manila – Roxas – Manila.Habang ang Air Asia Zest ay kinansela na rin ang flights Z2 350 at 351 Manila – Tagbilaran – Manila.Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa refund o rebooking ng kanilang flight.

Facebook Comments