Sampu Sugatan, Sa Nagpapatuloy Na Traslacion Ng Itim Na Nazareno – Isang Lalaking, Nabalian Ng Paa Matapos Magulungan N

29

MANILA – Sampu na ang sugatan na mga deboto sa nagpapatuloy na traslacion ng itim na Nazareno.Agad na isinugod sa ospital ng Maynila ang mga sugatan kung saan karamihan ay nabalian ng buto habang ang iba ay iniinda ang pagsakit ng dibdib o hirap sa paghinga.Pero, batay sa monitoring ng Phil. Red Cross as of 10:00am – umabot na 58 ang naitalang kaso ng hypertension, 40 ang mga minor cases, tulad ng pagkahilo at apat ang nabalian ng buto.Kabilang sa mga nasugatan ang 29-anyos na lalaki na nagulungan ng andas ang paa.Agad namang isinugod sa pagamutan ang deboto at isasailalim sa operasyon upang malaman kung kaya pang isalba ang nabaling paa.May tatlong babae rin deboto ang nabalian ng buto makaraang mahulog matapos na umakyat sa andas.Agad naman silang binigyan ng panunang lunas sa first-aid station.

Facebook Comments