Ilang flights, maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara bukas ng Mactan Cebu runway

Manila, Philippines – Nag-anunsyo na ang Cebu Pacific ng mga flights nilang maaapektuhan sa pagsasara bukas ng runway ng Mactan Cebu International Airport.

Ito ay mula alas dos y medya ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga.

Kabilang sa mga ikakanselang flights ng Cebu Pacific ang mula sa Cebu patungo ng Manila, Clark, Davao, Cagayan de Oro, Hong Kong, Bacolod ,Camiguin,Iloilo,Ormoc at Caticlan.


Made-delay naman ang flights ng nasabing airline bukas partikular ang Singapore-Cebu-Singapore,Taipei-Cebu,gayundin ang mga magmumula at papasok ng Cebu mula sa destinasyon ng Kalibo,Zamboanga,Davao,Siargao,Tacloban at Butuan.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipa-ugnayan sa Cebu Pacific.

Facebook Comments