Ilang flights, naantala dahil sa pagsasara ng NAIA terminals main gates

Manila, Philippines – Ilang domestic flights ng Philippine Airlines ang na-delay bunga ng airport closure kanina dahil sa pag-atake ng gunman sa Resorts World Hotel.

Sa NAIA 3, kabilang sa naantala ang flight ng PAL patungo ng Zamboanga, Cagayan, Tacloban at Masbate.

Sa NAIA T2 naman, na-delay ang flight ng Philippine Airlines patungo ng Davao, Iloilo at Bacolod.


Humihingi naman ng dispensa ang PAL management sa mga naapektuhang pasahero.

Tiniyak din ng flag carrier ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa MIAA o Manila International Airport Authority, PNP Aviation Security Group at Civil Aviation Authority of the Philippines.
DZXL558

Facebook Comments