Ilang flights patungong Batanes, kanselado na

Manila, Philippines – Maagang nag-anunsyo ang PAL Express ng kanselasyon ng flight patungo ng Basco, Batanes.

Bunga pa rin ito ng masamang panahon sa Luzon.

Partikular na kinansela ng PAL Express ang 2P 084 at 2P 085 o MNL-BAsco-MNL.


Ina-antabayanan naman sa ngayon ang posibleng kanselasyon ng flights sa iba pang lugar na apektado ng masamang panahon.

Samantala, pinayuhan ng Manila International Airport Authority ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa NAIA terminals para hindi mahuli sa kanilang flights ngayong masama ang panahon.

Facebook Comments