Ilang flights sa Mindanao, na-divert dahil sa masamang panahon

Daan-daang mga pasahero ang naapektuhan ng kanselasyon ng ilang domestic flights ngayong araw dahil sa Bagyong Kristine.

Kabilang sa kinansela ang flights ng Cebu Pacific at Philippine Airlines sa mga lalawigan sa Bicol.

Kinansela rin ang flights patungong Samar at Tacloban.


Nagkansela rin ang Cebgo at Cebu Pacific ng flights patungong Surigao at pabalik ng Maynila.

Habang may isa ring flight ang Cebgo patungong Surigao ang na-divert sa Cebu dahil sa masamang panahon.

Wala namang naitalang stranded na mga pasahero sa mga paliparan bagama’t daan-daan ang naapektuhan ng flight cancellations.

Facebook Comments