Bagamat wala pang indikasyong mag-deklara ng pagtatapos ng tag-init ang PAG-ASA nakakaranas na ng panakanakang pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan pagsapit ng hapon at gabi.
Kaya naman ang ilang lungsod at bayan sa Pangasinan lalo na ang mga flood prone areas ay naghahanda na. Kabilang dito ang bayan ng Calasiao at lungsod ng Dagupan na madalas ay apektado ng mga pagbaha tuwing sasapit ang tag-ulan.
Ayon sa kanilang mga kinatawan ng Disaster Risks Reduction Management Office ay partikular na tututukan nila ang pagsasaayos ng mga drainage system ng kanilang mga lugar, pag-dredging ng mga ilog, at pagkakaroon iba pang plano para ibsan ang pagbaha.
Matatandaang sa mga nakaraang taon palala ng palala ang pagbaha sa mga lugar na nabanggit. Kaya naman ang pag-resolba sa nasabing suliranin sa baha ang isa sa mga naging batayan ng mga botante sa kung sino ang kanilang inihalal sa nagdaang eleksyon.