Ilang gabinete, nilinaw na “in position” at hindi “in possession” ang China sa WPS

Nilinaw ng ilang gabinete na “in position” at hindi “in possession” ang China sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA noong Lunes hinggil sa isyu ng West Philippine Sea dispute.

Matatandaang inalmahan ito ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at iginiit na hindi ang China ang may hawak sa West Philippine Sea.


Aniya, pitong features lang sa Spratlys ang hawak ng China na 7% lang ng West Philippine Sea.

Paglilinaw naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon – ang ibig sabihin ng Pangulo ay nasa advantageous position ang China sa sitwasyon.

Ganito rin ang paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Pero ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, “possession” ang salitang sinabi ng presidente.

Facebook Comments