Ilang gasolinahan na nagtaas agad ng presyo ng kanilang produkto, pinagpapaliwanag ng DOE

Manila, Philippines – Premature kung maituturing ang pagtataas ng mahigit 400 gasolinahan sa bansa ng kanilang produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) hindi pa napapanahon ang ginawa ng ilang retail companies dahil hindi pa dapat ipatupad ang ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Sinabi naman ni Energy Spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella, na maglalabas sila ng show cause order sa mga gasolinahan na una nang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo upang hindi pamarisan.


Base sa kanilang komputasyon, January 15 hanggang February 1 pa dapat magpatupad ng oil price hike dahil sa mga nabanggit na petsa inaasahang mauubos ang kanilang 2018 stock.

Samantala, sa ngayon nasa 30 show cause order na ang kanilang naisilbi sa iba’t-ibang gasolinahan sa bansa at patuloy ang pagpapadala nila ng show cause sa iba pang oil companies.

Facebook Comments