Tricycle Driver, Pinagbabaril sa Angadanan, Isabela!

*Alicia, Isabela- *Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas otso kaninang umaga sa Brgy. Villa Domingo, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jayson Domingo, may-asawa, 32 anyos, at residente ng Purok 5, Rizaluna, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), patungong Cauayan City ang biktima lulan ang minamanehong tricycle at nang makarating sa lugar na walang kabahayan ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek.


Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng caliber 45 habang patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Angadanan para sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo ng pamamaril.

Facebook Comments