Ilang gasolinahan sa Quezon City, nagpatupad ng taas presyo

February 26, 2019 – Nagpatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Quezon City.

Sa Petron gasoline station sa Timog, kanto ng Esguerra street, nagtaas sila ng presyo ng hanggang P1.45 sa kada litro ng gasolina at krudo.

Ayon kay Romeo Quinalayo supervisor ng gasoline station, nasa P42.60 na ang kada litro ng diesel max mula sa P41.15,
Turbo diesel P44.95 mula sa P43.15, extra advance P50.90 mula sa P49.45, XCS P52 mula sa dating presyo na P50.55 kada litro.


Mula Enero hanggang ngayon may apat hanggang limang beses nang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Facebook Comments