
Nagsagawa ang Department of Energy (DOE) ng fuel price at supply monitoring sa Tacurong City.
Kasama ng DOE sa inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) Sultan Kudarat at ang pamahalaang panlalawigan.
Sa harap ito ng ulat na may ilang gasolinahan sa Tacurong City ang hindi sumusunod sa mga panuntunan.
Tiniyak naman ng DOE na may sapat na supply ng gasolina sa nasabing lugar.
Habang isinailalim naman sa kaukulang aksyon ang establisyementong nakitaan ng paglabag sa guidelines ng DOE.
Layon ng hakbang na matiyak ang patas na presyo ng petrolyo, gayundin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng langis.
Ito ay para maprotektahan ang publiko sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon sa supply ng langis sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments










