
Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang rekomendasyon ng mga imbestigador, partikular ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), na magsagawa ng full-blown investigation sa hazing incident sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ayon kay Nartatez, sasailalim sa pre-charge evaluation ang siyam na opisyal ng nasabing akademya.
Samantala, binanggit din ni Nartatez na posibleng magkaroon ng reshuffle sa mga opisyal ng PNPA.
Kasama rito ang Director ng PNPA, Commandant of Cadets, at mga tactical officers.
Sakali mang ma-administrative relief ang nasabing mga opisyal, maghahanap ng kanilang karanggo o promotable na opisyal para humalili sa mga posisyong mababakante.










