Ilang government official at private entity na responsable sa pagkasira ng protected watershed areas sa Rizal, inirekomenda nang kasuhan ng DILG

Pinakakasuhan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Anti-illegal Logging Task Force ang ilang concerned government officials at private entities na may kinalaman sa pagkasira ng protected watershed areas ng San Roque sa Baras, Rizal.

Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, inirekomenda ng DILG na sampahan sila ng kasong kriminal at administratibo dahil sa paglabag sa environmental laws.

Sa ulat ng DILG, iligal na pinasok ng private entity ang loob ng upper Marikina River basin protected landscape sa San Roque at iligal na namutol ng kahoy at nagtayo ng pribadong resort at iba pang istraktura.


Paliwanag ni Malaya, may 16 na ektarya ng protected areas ang apektado sa lugr.

Pagmamay-ari umano nina Arnel Olitoquit at Jay Sambilay ang GSB Resort na ilaigal na itinayo sa San Roque main road at waterways.

Una nang sumulat sa DILG ang Masungi Georeserve Foundation at humihingi ng assistance dahil sa walang pahintulot na pagpasok ng pribadong entity sa protektadong lugar.

Facebook Comments