Ilang grupo, nagkasa ng kilos-protesta sa Korte Suprema bilang panawagan na papanagutin ang dating first lady Imelda Marcos

Nagkasa ng kilos-protesta ang grupong SELDA sa labas ng Korte Suprema.

Ito’y upang ipanawagan na ipatupad sana ang naging desisyon ng Sandiganbayan 5th Division na papanagutin ang dating first lady na si Imelda Marcos sa kasong graft.

Nabatid kasi na naglabas na ng desisyon ang 5th Division ng Sandiganbayan noong Nov. 9, 2018 na guilty sa pitong counts ang dating unang ginang.


Ito’y sa isyu ng ill-gotten wealth na nagkakahalaga ng US$200 milyon mula sa mga mapalinlang na pribading foundation sa Switzerland kaya’t nasentensyahan ang unang ginang ng 42-taon.

Giit ng grupo, limang taon na ang nakakalipas ng magdesisyon ang Sandiganbayan kung saan nagawa ng kaniyang kampo na makapag-piyansa ng P300,000 kaya’t patuloy ito sa pagdalo sa ibang events at aktibidad.

Samantalang ang ibang political prisoners ay patuloy na naghihirap at nakakulong kung kaya’t dito na sila nagka-edad.

Muli nilang ipinanawagan sa Korte Suprema na dapat managot ang dating unang ginang para maipakita na patas na ipinatutupad ang batas sa lahat ng Pilipino.

Facebook Comments