Ilang Pinoy, positibo ang pananaw sa paglago ng ekonomiya ng bansa

Ramdam ng ilang Pilipino ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng ating bansa.

Ilan sa kanila ay sinasabing nakakasabay at umuusad ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga problema na dumaraan o nararanasan.

Ilan na rito ay ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan matapos ang nagdaang COVID-19 pandemic.


Bukod pa ito sa mga nangyayaring gulo sa ibang bansa kung saan nadadamay ang kababayan nating Pilipino.

Isa rin sa nakikita nilang positibo epekto ng pag-unlad ng ekonomiya ay ang pagkakaraon ng maraming trabaho na iniaalok.

Facebook Comments