Nanawagan ang iba’t ibang business at advocacy groups na isapribado na ang EDSA Busway System upang mapabuti ang karanasan ng mga commuter.
Sa isang joint statement, sinabi nito na suportado nila ang pagsasapribado nito sa ilalim ng public-private partnership (PPP).
Ipinunto ng mga grupo ang 550 bus na umaarangkada sa Edsa Carousel na nagsasakay ng aabot sa 325,000 pasahero kada araw.
Mas mababa ito sa pre-pandemic level na may 3,300 bus units.
Bagama’t umiksi ang travel time mula Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) hanggang EDSA Monumento sa Caloocan sa isa’t kalahating oras, magtatagal naman sa mala-blockbuster na pila para makasakay rito.
Kaya sa pamamagitan ng PPP, matutuldukan na ang araw-araw na pasanin ng libo-libong commuters na sumasakay sa EDSA Carousel na siyang pinaka-cost efficient na mass transit system sa bansa.
Una nang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad ng privatization ng busway system.