BI, nakahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong holiday season

68

Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong papasok at palabras ng bansa.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, all hands on deck ang ahensya at naka-deploy na ang lahat ng kanilang immigration personnel.

Dagdag pa ni Sandoval, nakahanda na ring i-deploy ang 100 pang immigration officers sa holiday seasons na nakatakda nang grumaduate.


Sa ngayon, hindi pa rin naaabot ang pre-pandemic record ng mga biyahero ngunit inaasahan nilang tataas ito paunti-unti habang papalapit ang Pasko.

Facebook Comments