Nangangalap na rin ng pondo ang student artists and councils mula sa Cavite State University – Indang Campus para sa kanilang kapwa mag-aaral.
Ito ay para sa mga kinakailangang learning materials para sa online classes.
Ayon kay Jane Sandigan, Vice President ng Cavite State University Central Student Government, nagsimula na ang pasukan ng klase sa unibersidad noong September 7, 2020.
Sa pamamagitan umano ng napagkaisahan nilang ilunsad na “JAMabagan 2020” o “Jamming + Ambagan” na pinasimulan noong September 11 hanggang gabi ngayong araw, umaasa sila na makalilikom ng pondo para sa proyekto.
Anila, kasabay ng pagbubukas ng klase, patuloy na nakipagsasapalaran ang mga mag-aaral upang makayanan ang new normal set-up ng klase.
Problema rin ng mga mag-aaral sa online class ay ang kawalan ng mobile phones, laptops at ang maayos na internet connection.