Ilang guro, napilitang gawing faculty room ang CR ng isang paaralan sa Cavite

Courtesy Facebook / Maricel Herrera

Sa pagsisimula ng pasukan, ilang guro sa isang public school sa Cavite ang ginawang faculty office ang lumang palikuran.

Ibinahagi sa Facebook ni Maricel Herrera, presidente ng teacher’s association sa Bacoor National High School, ang nasabing sitwasyon.

Giit pa niya sa post, nanggaling pa sa sariling bulsa ng mga guro ang pinampaayos dito.


Sa video naman na ipinadala ni Herrera sa ilang media, ipinakita nito ang mga dating cubicle na ngayon ay kanya-kanyang puwesto ng mga guro.

“Masyadong maliit sa 11 teachers,” sabi ni Hererra sa video.

Ayon kay Herrera, May 27, isang linggo bago ang simula ng klase, nang abisuhan ang mga guro na gagamiting classroom ang kanilang mga faculty room.

Facebook Comments